Martes, Marso 19, 2013

ANO BA ANG MISA?



ANO BA ANG MISA?
NAKIKINABANG BA ANG MGA TAONG DUMADALO SA MISA?
MAY BASEHAN BA ITO SA BIBLIA?


"..The Mass is the detenctive act of worship of the Catholic Church.." (Things Catholic are asked about, Martin Scott, p.125)


"Ang handog na ito sa bagong Kautusan ay karaniwang tinatawag na Misa. Ang salitang Misa ay hinango ng iba sa salitang hebreong Missach na ang kahulugan ay isang malayang pag-aalay. Hinahango naman ng iba sa salitang Missa, na ginagamit ng Pari kung ipinapatalastas niya sa mga natitipong tao sa simbahan na ang Mahal na sacrificio ay tapos na. Ang sacrificio ng Misa ay ang pagkokonsagra ng tinapay at alak na nagiging katawan at dugo ni Kristo at ang paghahandog ng alay na ito sa Diyos , sa pamamagitan ng saserdote, alang-alang sa walang hanggang pag-aalaala sa sacrificio ni Kristo sa krus, ang sacrifio ng Misa ay kaisa ng sacrificio sa krus , kapuwa may iisang alay at Kataas-taasang Saserdote na dili iba't si Jesucristo." (Ang Pananampalataya ng Ating mga Ninuo, p.305)


ISANG KATOTOHANAN LAMANG PO, SA IBA'T IBANG ORAS SA BUONG MUNDO MAY NAGAGANAP NA MISA PARA SA PATAY, KASAL, BINYAG ETC. NA HINAHANDOG NILA ARAW ARAW SI CRISTO SA KANILANG MISA, SANG AYON BA ANG BIBLIA DITO SA PAG-ALAY ULIT KAY CRISTO?
BASA!


"Na hindi nangangailangan araw-araw na maghandog ng hain, na gaya niyaong mga dakilang saserdote una-una'y patungkol sa kaniyang sariling mga kasalanan at saka patungkol sa mga kasalanan ng bayan: sapagka't ito'y ginawa niyang minsan magpakailan man, nang kaniyang ihandog ang kaniyang sarili." (Hebreo 7:27)

LABAG PO SA ARAL NG BIBLIA NA IHANDOG PA ANG PANGINOONG JESUCRISTO .. :)

"Purgatory like Mass, has no foundation in Holy Scripture. hrist and the first Christians never talked about it and never knew of its supposed existence." (I was a Priest, Lucient Vinet, p. 41, 43-44)

AYON SA ISANG DATING PARI, ANG PURGATORYO TULAD NG MISA AY IMBENTO LAAMNG NG MGA ROMANO AT WALANG SALIGAN SA BIBLIA. NI HINDI NABANGGIT NI CRISTO O NG MGA UNANG CRISTIANO ANG TUNGKOL SA MISA.

PANO TAYO MAPAPABANAL KUNG ANG MISA PALA AY KATHA O IMBENTO LAAMNG NG SIMBAHANG KATOLIKO. AYON NAMAN SA IBANG DEPENSOR KATOLIKO, ANG MISA DAW AY ANG ABNAL NA HAPUNAN NG PANGINOONG JESUCRISTO.
PANO BA UNG BANAL NA HAPUNAN NA TINATAG NI CRISTO?
BASA!


"Habang sila'y kumakain, dumampot si Jesus ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Diyos ay pinaghati-hati niya iyon, ibinigay sa mga alagad at sinabi, "Kunin ninyo ito at kainin. Ito ang aking katawan.Pagkatapos, dumampot siya ng kopa, nagpasalamat sa Diyos at ibinigay iyon sa kanila. Sinabi niya, "Uminom kayong lahat nito sapagkat ito ang aking dugo; pinapagtibay nito ang tipan b ng Diyos. Ang aking dugo ay mabubuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng marami. Sinasabi ko sa inyo, hinding-hindi na ako iinom nitong alak na mula sa ubas hanggang sa araw na ako'y muling uminom nito na kasalo ninyo sa kaharian ng aking Ama." (Mateo 26:26 Magandang Balita Biblia)


NANG NASA LUPA PA SI CRISTO KUMAIN NG TINAPAY AT UMINOM NG KATAS NG UBAS SI CRISTO AT ANG MGA ALAGAD.
ANO BA ANG INALIS NG SIMBAHANG KATOLIKO SA BANAL NA HAPUNAN NILA? ANG PAG-INOM NG KATAS NG UBAS PALA. PATUNAY?
BASA!

"Ang Pakikinabang o sagrado komunion ay tunay na pagtanggap ng katawan at dugo ni Kristo sa ilalim ng anyong tinapay. Kaya nga ang unang tatanggapin natin sa pakikinabang ay si Jesucristo rin na siyang tunay na Diyos at tunay na tao. Tinatanggap natin si jesucristo sa anyong tinapay lamang. hindi dapat uminom sa kalis upang tanggapin ang dugo ni JesuKristo,.." (Siya ang Inyong Pakinggan: Aral na Katoliko, p. 198) 


MALAKI ANG PINAGKAIBA NG MISA NG KATOLIKO SA BANAL NA HAPUNAN NI KRISTO , NAGPAAKIN NG TINAPAY AT NAGPA INOM NG KATAS NG UBAS SI CRISTO PERO SA KATOLIKO INALIS ANG PAG-INOM NG KATAS NG UBAS. TINATANGGAP BA NILA NUNG UNA NA NAGPAPAKAIN AT NAGPAPAINOM SILA NG KATAS NG UBAS NA TINATAWAG NILANG KOMUNION?


"At first it took place only on Sunday, but at the beginning of the fourth century , daily Mass became the rule. The early Christians received Holy Communion under both species, bread and wine." (The Story of the Church, p. 49)


"While therefore the Communion under both kinds was the common custom for twelve centuries - it is still so in the East - the Church always approvedthe concurrent custom of receiving Holy Eucharist under either kind. The present law of receiving Communion under the form of bread dates from the council of Constance in 1414. This law was confirmed by the council of Trent." (The Question Box, p.260-261)

NOON PALA ANG KOMUNION AY NAGPAPAKAIN AT NAGPAPAINOM NG KATAS NG UBAS, NGAYON BAKIT NILA INALIS? ANONG DAHILAN ?
BASA !

"Noong unang panahon ay pinaiinom ng mahal na Dugo, gayon man mula pa rin noong unang panahon , ang mga may sakit ay di pinaiinom upang huag malapastangan ang mahal na Dugo kung sakali't isuka.. Nagdaan ang panahon, kumapal ang mga kristiano, hindi kakaunti ang nangaririmarim na uminom sa pinaginoman nang limangpu o sandaang tao, umaasim ang alak kung hindi agad nauubos , madaling makasagap ng pagkahawa ng sakit kaya't pinayagan nang Sta. Iglesia na matanggap ang komunion sa pamamagitan ng mahal na Hostia lamang. Dumating ang mga hereje na nangangasigaw na di maaaring gawin ang ganitong bagay , na ito'y labag sa utos ng Diyos, na ang Sta. Iglesia ay nabubulusok sa kasalanan. Kaya't upang ipakilala ng Sta. Iglesia sa mga hereje na ang Sta. Iglesia ay hindi maaring magkamali sa anomang itinuturo tungkol sa ikabubuti ng kaluluwa ay ipinagutos na huag nang tanggapin ang komunion kungdi sa pamamahitan ng Hostia lamang."(Ang Iglesia ni Kristo at iba't ibang Sektang Protestante, pp. 80-81)

ANG DAHILAN PALA KAYA INALIS AY NOON DAW AY KUMAPAL ANG MGA KRISTIANO AY UMAASIM DAW ANG ALAK PAG DI KAGAD NAUUBOS AT NAKAKAHAWA NG SAKIT, IMBES NA SOLUSYUNAN, BINAWASAN AT INALIS ANG UTOS NG DIOS, ANONG PASYA NG DIOS SA MAGBABAWAS SA UTOS SA MGA AKLAT?


"Aking sinasaksihan sa bawa't taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng Dios ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito: At kung ang sinoman ay magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng Dios ang kaniyang bahagi sa punong kahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na ito." (Apocalipsis 22:18-19)


ANG RELIHIYONG INAANIBAN NG TAO NA NASA KALAGAYANG BINABAWASAN ANG ARAL NG DIOS , MAY PASYA NA PO ANG DIOS SA KANILA .. :)